Thursday, January 15, 2009

Star Cinema's "Love Me Again"

Balita ko naging successful daw ang premiere night ng Love Me Again: Land Down Under ng Star Cinema. Sabay dumating si Angel at Piolo kasama si Direk Rory B. Quintos sa inaabangang premiere night. Ayon sa aking source, nagkagulo daw ang mga fans ni Angel Locsin at Piolo Pascual mula sa ground floor hanggang sa mismong lobby ng cinehan para sa screening. Mistulang sabungan ang loob ng Cinema 10 sa SM Megamall sa bawat eksena ng dalawa lalo na ang controversial love scene. Napagdesisyunan kase ng management na i-cut ang ilang eksena sa love scene dahil ayon sa isang insider, maari daw itong bigyan ng R-18 ng MTRB! Ito na ang pinaka-daring na love scene ang naiderek ni Direk Rory. Hindi naman daw ito "malaswa" ayon kay Angel. Inamin rin ng aktres na nanginginig daw talaga ang kanyang kamay habang hinahaplos ang dibdib ni Piolo.

Ngayong araw ang release nito sa halos lahat ng cinehan. Papatok kaya ang very first ni Angel mula nung lumipat siya sa ABS-CBN? Well, tingnan natin.. ilalagay ko ang earning ng pelikula!

No comments:

Post a Comment