Friday, January 16, 2009

Wilma Galvante, todo react!

Matapos ilatag ng GMA SVP for Entertainment, Wilma Galvante, ang line-up ng show for 2009. Iba't iba ang napag-usapan sa lunch-get-together ng kapuso para sa piling mga showbiz writer. Bilang isang ganap na kapuso exclusive talent, sasabak na si Manny Pacquiao hindi sa boksing pero sa pagdradrama sa harap ng kamera.


Isang boksingero ang papel na gagampanan dito ni Manny kaya hindi ito magiging mahirap para sa kanya. Gusto na daw kasi niyang magdrama. Anak ng Kumander ang huling dramang ginawa ng people's champ na kabilang sa Metro Manila Film Festival 2008.


Napag-usapan naman sa tanghaliang ito ang sinasabing 3-hours interview ni Manny with Dyan Castillejo sa birthday party ni Chavit Singson. Nairita diumano ang ilang bisita kabilang na ang ibang kolumnista dahil hindi nila makasama si Manny.


Interview ito ni Dyann para sa dokyumentaryong "kamao" na naipalabas sa programang, The Correspondent ng ABS-CBN. Pinagsabihan tuloy si Manny ni Ma'am Wilma tungkol sa hindi niya pagpapaalam sa tv exec tungkol sa nasabing interview.


Nagpadala naman kaagad ng statement ang ABS-CBN tungkol sa issue:

Hindi daw tatlong oras ang naganap na interbyu kundi 35 minutes lang. Walang masabi sila dahil kahit nasa party si Manny ay hindi ito nagdalwang-isip na tumanggi kay Dyan. May nabuo na rin daw kasi itong bond sa kampo ni Manny dahil maghigit limang taon na rin nitong kinocover si Pacman.

No comments:

Post a Comment